Biyernes, Oktubre 7, 2016

Dulot ng Wika: Noon, Ngayon, at Bukas


Magkakaroon ba ng pagkakaisa ang mga mamamayang Pilipino kung wala tayong sariling wika? Sibilisado ba ang bansang Pilipinas kung wala tayong iisang wikang tinatangkilik. "Isang bansa, isang wika patungo sa kaunlaran." Ang pagkakaroon natin bilang isang mamamayang Pilipino nang isang epektibong wika ay nagdulot ng tatlong henerasyon sa ating buhay; noon, ngayon at bukas. Napagbubuklod tayong mga Pilipino batay sa ating mga lenggwahe at wikang ginagamit, ngunit tayo rin naman ay nagiging isa dahil sa ating pambansang wika ang Filipino.

Nagkakaroon tayo ng pagkakaisa dahil mayroon tayong sariling wika na ginagamit. Bukod sa nagiging isa tayong pilipino, nagiging sibilisado at maunlad din ang ating bansang pilipinas dahi sa pagiging tanyag ng ating mga kultura, tradisyon at wika.

At upang mas lalo nating mapa-igting ang ating minamahal at tinatanging wika, isinasabuhay narin ito sa telebisyon, tyatro at lalong-lalo na sa paaralan na kung saan ito ay ginawa pang asignatura sa pag-aaral upang lahat ng bata ay tumangkilik at matutunang mahalin ang ating wikang pambansa. Kung ating iisipin nararapat lamang na tangkilikin at mahalin ang ating sariling wikang pambansa upang mas lalong magkaisa ang sambayanang pilipino, at upang bigyang parangal ang ating ama ng wikang pambansa na si Manuel L. Quezon ikaw ay idang tunay na pilipino nararapat lamang na ika'y tumangkilik ng wikang Filipino.